Bambbi Fuentes Hair and Make-up Studio

42 Visayas Ave., Visayas, Quezon City, Metro Manila

Bambbi Fuentes Hair and Make-up Studio
4.0
4.0 Stars

1 Reviewer

  • 5 stars 0
  • 4 stars 1
  • 3 stars 0
  • 2 stars 0
  • 1 star 0
  • 1 Reviews
  • 0 Recommend
  • 1 Reviewers
Category:
Hair Salon
Business Hours
Reopens: 9:00a - 8:00p
Phone
+6324561175

Hours

  • Sunday
    • 10:00a - 7:00p
  • Monday
    • 9:00a - 8:00p
  • Tuesday
    • 9:00a - 8:00p
  • Wednesday
    • 9:00a - 8:00p
  • Thursday
    • 9:00a - 8:00p
  • Friday
    • 9:00a - 8:00p
  • Saturday
    • 9:00a - 8:00p

Payment Options

Cash

Most Recent Reviews

Rina Joy J.
4.0 Stars

Ang buhok, kapag pinapakulayan, dapat pinapagawa lamang sa alam mo na marunong magtimpla at mag-alaga ng buhok. Ngunit, hindi mo kinakailangan magpagawa sa sobrang mahal na presyo. 128522

Matagal na pangalan na si Bambbi Fuentes. Kaibigan siya ng kapatid ko at kilala rin siya bilang make-up artist ni Kris Aquino. 128521

Hindi ko pa siya afford dati. Pero ngayon kaya ko na at sinubukan na rin siya ng kalandian ko. 128541

Si Josie ang kinuha na senior stylist para gumawa ng hair ko. Siya ang gumagawa sa buhok ng aking dalawang kapatid. Doon pa lang masasabi ko na mapagkakatiwalaan ko siya.

May kulay ako na tatak sa utak ko. Desyembre pa lamang ng 2012, nangangarap na ako maging red head. Ngunit ang sabi sa akin ni ate, "Ang pulang pula sa ating buhok, saglit lang ang ganda. Magiging copper siya. Papangit." Grabe, ansarap makarinig ng ganoong kaprangkang babala. Alam mong, seryoso siya. "Kung pula hahaluan kita ng kulay malapit sa natural brown hair mo. Tapos magandang light highlights."

Kinilig ako. Magiging strawberry blonde ako!

Matapos ang dalawang oras. Ayan, ang maganda kong buhok. Ang galing galing. Gusto din siya ni Bambbi. At bago kami umalis nagpayo siya, "Low sulfate shampoo lang sa buhok, para tumagal ang kulay. Maganda kasi ang shampoo for cleansing, conditioner for coating. At hindi araw araw na shampoo, conditioner lang. Treatment sa bahay (hindi kasi kami kumuha ng treatment) para proteksyon." Malapit lamang sa ganyang salita at hindi eksakto.

Hanggang ngayon, dalawang linggo ang makalipas, ang ganda pa ng buhok ko. Dinadala ko lang parang natural na kulay ko (charing pero ganun talaga!), bilang malambot at gumagalaw pa ang buhok ko, hindi matigas at mukhang walis.

Kaya sa aking mga mambabasa, kung hindi man kay Bambbi Fuentes, siguraduhin niyo na maalaga ang hahawak sa buhok ninyo. Pero sinasabi ko na, magaling sila dito. Mura pa! Hindi ganoon kamura pero tama na. 128518

Minus 1 star sa medyo sira na hugasan ng buhok. Isa lang ang gumagana sa dalawang meron sila. Barado yung isa. Pero siguro naayos na siya. Sana.

  • No. of Comments: 2
View