Sip & Gogh

2/F Molito Complex, Madrigal Ave. cor. Alabang-Zapote Rd., Alabang, Muntinlupa, Metro Manila

Sip & Gogh
5.0
5.0 Stars

2 Reviewers

  • 5 stars 2
  • 4 stars 0
  • 3 stars 0
  • 2 stars 0
  • 1 star 0
  • 2 Reviews
  • 8 Recommend
  • 2 Reviewers
Category:
Art Studio
Business Hours
Reopens: 10:00a - 10:00p
Phone
+6328021543

Hours

  • Sunday
    • 10:00a - 6:00p
  • Monday
    • Closed
  • Tuesday
    • 1:00p - 9:00p
  • Wednesday
    • 1:00p - 9:00p
  • Thursday
    • 1:00p - 9:00p
  • Friday
    • 1:00p - 9:00p
  • Saturday
    • 10:00a - 10:00p

Payment Options

Cash

Most Recent Reviews

Mico C.
5.0 Stars
3

Isa akong bata ng sipnayan, hindi ng sining. Kaya hindi nakagugulat na ang pag-sang-ayon ko sa planong pumunta sa Sip&Gogh ay may kasamang kaba at pag-aalinlangan. Hangad ko man maging maestro nung bata ako, maaga ko rin nalaman na hindi ito para sa akin. Matutupad kaya nila ang aking hiling?

Nakangiti kaming binati nung binibining tutulong sa amin magpinta. Tinuro niya sa amin ang sari-saring mga obra na maaari naming kopyahin o sa aking kaso... subukang kopyahin. Napakarami ng aming maaaring pagpilian, mula sa mga musmos na mga prutas hanggang sa mga nakabibighaning mga gusali. Dahil kasama ko ang aking kasintahan nung gabing iyon, pinili ko ang isang larawang medyo romantiko - guhit ng magkasintahang nagtititigan sa isang liwasan habang malambing silang binubudburan ng niyebe. Sa kabilang dako, napili ng aking irog ang litrato ng isang kakaibang tahanan. Sige na nga, tatanggapin kong romantiko rin iyon.

Napakatulungin ng mga tauhan nila roon. Lumabas man ang aking pagiging baguhan sa pagpinta, sinigurado nilang naroon sila para sa akin sa mga pagkakataong kailangan ko ng gabay. Kasama rin sa bayad ang pagkain at inumin. Hindi nga ako bihasa sa pagpinta, ngunit ang pagkain ay isa sa pinagmamalaki kong kakayahan.

Natapos ang aming oras at natuwa ako sa kinalabasan ng aming mga nilikha. Bago ako nagsimula, paniniwala kong imposibleng magaya ko ang napili kong litrato. Sa madaling salita, napadali nila ang mahirap. Napakahusay at nakatutuwa. Nais kong bumalik dito kasama ang aking pamilya.

Iyon lamang! Huwag na kayo gumaya sa akin at mag-alinlangan kung gusto niyo ito subukan. Hindi kayo magsisisi. Mabuhay kayong lahat. Ingat mga binibini't ginoo. #loolooweeklychallenge

  • No. of Comments: 5
View
Ralph Waldo L.
5.0 Stars
3

I never knew i could paint until one day i was trying to find something new to do together with my wife and i know that she used to love drawing and she was very good at it since she could draw faces of people when she was younger and just lost it when she ventured into our business so i surprised her with this one as part of our anniversary activity. She loved it and she was giggling and was like a kid again. I painted an abstract painting and i think i will now try to pain some more because of this experience. Thank you so much sip and gogh for helping me find another passion... they were so helpful during the entire 2 hour session.

  • No. of Comments: 3
View