The Union Station Barbershop

2/F The Link, North Drive, Glorietta Complex, Makati, Metro Manila

The Union Station Barbershop
4.0
4.0 Stars

1 Reviewer

  • 5 stars 0
  • 4 stars 1
  • 3 stars 0
  • 2 stars 0
  • 1 star 0
  • 1 Reviews
  • 30 Recommend
  • 1 Reviewers
Category:
Barbershop
Business Hours
Reopens: 9:00a - 8:00p
Phone
+639054840256

Hours

  • Sunday
    • 9:00a - 8:00p
  • Monday
    • 9:00a - 8:00p
  • Tuesday
    • 9:00a - 8:00p
  • Wednesday
    • 9:00a - 8:00p
  • Thursday
    • 9:00a - 8:00p
  • Friday
    • 9:00a - 8:00p
  • Saturday
    • 9:00a - 8:00p

Payment Options

Cash

More Business Info

Parking:
Parking Lot

Most Recent Reviews

Peach L.
4.0 Stars

BABALA: Ang review na 'to ay hinugot sa kung saang damdamin ngunit nakasisiguro na ito ay hindi kwentong barbero.

Matagal na panahon kong pinagplanuhan ang gusto kong maging susunod na kulay ng buhok ko. Mga mahigit isang taon. Pinagplanuhan ang kulay, hinanap ang nararapat na lugar na pwedeng gawin kung anong gusto ko ng tama at hindi pa-cham. Parang relasyon ko lang, pinagpaplanuhan, pinagiisipan bago sumabak.

One time, nagpost ng isang picture ang isang college friend sa FB at nakita ko ang buhok nya. Medjo malapit sa gusto kong maganap sa buhok ko. So tinanong ko sha kung saan nya pinagawa dahil matagal ko ng hinahanap ang makakagawa sakin ng tama. Minsan kasi pag medjo hirap ka ng hanapin ang talagang gusto mo, kelangan mo nang lumapit at humingi ng tulong dahil hindi sa lahat ng oras, kaya mong gawin lahat.

Sinabe nya naman kung saan kaya pinuntahan ko. Sinipat ko ang lugar, barbershop na pangsosyal. Hindi mukhang barberya. Mukhang salon na mga lalaki ang gumagawa. Pero malalaman mong barberya sha pag sinimulan ka ng ishampoo dahil ang tubig, kulang na lang ipanligo sa buong katawan mo sa karaskalan. Tama yung kasabihan, do not judge the book by its cover kasi madalas, iba ang katotohanan sa panlabas na anyo.

Pagdating dun shempre hinanap ko yung gumawa sa kaibigan ko at mukhang sha ang isa sa pinakamagaling dun, si RJ. Medjo inistima ko ng konti dahil lalaki sha at hindi ako sanay ng lalaking magaling sa buhok. Ganun kasi talaga pag yung hinahanap mo, nakita mo na pero hindi yun ang iniexpect mo, medjo eestimahin mo muna pero sa huli bibigay ka din. Tulad ng mga babaeng nagpapakipot, gusto naman, ang dami pang arte.

Shempre, parang nagliligawan lang, nagusap muna kami. Sinabe ko ang gusto ko, sinabe nya ang kaya nyang gawin at kaya nyang maibigay. Sa huli, nagkasarahan din. Sinagot kumbaga.

Sinabe nya ang gagawin nya sakin... medjo kinabahan ako. Ang huling experience ko kasi sa ganun, nasaktan ako ng bongga. Kaya sinabe ko sa kanya ang takot ko... at inassure nyakong hindi nyako sasaktan. So kahit may kaba, nagpaubaya ako.

Una at pangalawang pasada hindi ako nasaktan. Nakitaan ko agad ng resulta... pero yung pangatlo at pang-apat, masakit sha. Kasi hanggang dulo na ang inabot nya. Kelangan yun shempre, para swabe.

Roots coloring ang tawag.

Minsan ang utak natin kelangan linisin pag madumi.

Sa huling kulay pareho kaming nadisappoint kasi hindi yun ang iniexpect namin parehong resulta. Maganda, pero hindi yun ang goal namin pareho. Minsan kasi kahit pareho nyo ng ginawa ang pwede nyong gawin at alam nyong tama naman ang ginawa nyo, minsan ang resulta hindi pa din naaayon sa gusto nyo. Kaya magtatry uli.

Nagtry uli pero wala pa din. Nasa akin ang mali, may mga bagay kasi akong nagawa sa nakaraan na hindi ko na kayang ibalik kaya kelangang pagdusahan ng kasalukuyan.

Kaya nagtanong nako kung ano ang pwedeng gawing solusyon sa problema namin. Binigyan nyakong pansamantalang solusyon. Ganun kasi minsan ang mga babae eh, kelangan bigyan mo ng solusyon kahit pansamantala para maging at peace. #girlnagirl

Sa huli, ang solusyong naibigay, kahit maayos, pero dahil hindi yun ang gusto mo, mas pipiliin mo pa ding umalis.

At parang tulad sa mga naghihiwalay, pag nagpapaalamanan na, may isang nadidisappoint, at may isang hihirit na bumawi.

Si RJ, bilang magaling naman at mabait, nagoffer sakin na ayusin nya uli ang buhok ko sa kulay na gusto ko pero kelangan bumalik na lang ako after 2 weeks or so. Para makarecover ang naabuso kong hair and scalp.

Ganyan talaga eh, pag naghihiwalay, minsan kelangan mo uli kitain para may closure.

Paguwi ko napansin kong may mga sugat ako. Sa dami ng masasakit na pinagdaanan ko sa kanya, expected ko na 'to. Pero kahit nasaktan ako, babalik pa din. Dahil medjo malaki na ang nainvest ko sa kanya at kelangan nyang mapatunayan sakin na maitatama nya ang mali. Minsan, mas pinipili mo ding bumalik kasi sa lahat ng nagdaan sa buhay mo, kahit pinaasa ka nyang dika nya sasaktan at sa huli nasaktan ka pa din, kung titignan mo ang bigger picture, mas nangingibabaw pa din ang advantage kesa disadvantage.

Dahil kahit mukha shang salon pero barberya ang pangalan, kahit iniexpect mong ang pagshampoo sayo ay parang sa salon pero para kang pinaliguan (pero si RJ maingat sha at magaling), kahit sinaktan ka pero may magandang dulot naman ang kahihinatnan at sa huli ay magiging maganda ang kalalabasan sayo, ok na din. Ok sakin yun. Dahil suma-tutal, ok sha. Ok sila.

May tinatawag kasi tayong TIIS-GANDA.

Ginusto ko yan eh.

BLIND ITEM:
Si RJ ay well-trained ng isang salon na kilala sa pagiging magaling sa pagkukulay bago sha lumipat sa Union Station. Kaya magaling sha sa kahit anong uri ng kasarian. 128513

  • No. of Comments: 17
View